Wednesday 4 April 2012

Dalawa.

Ako`y nahuhumaling sa iyong yaya.
Bawat titig-salita, aking ninamnam;
Sapagkat iyong itsura, aking sulyap,
Higit pa, iyong akit, ako`y nahawa.

Kung hindi pa naman tayong magsing-irog,
`Sintigas ng bato ang pagtingin sa`yo;
Kung malakas ang pandinig ng tainga mo,
Parang bato-balani ang paglapit mo.

Hindi man kita nasulyap sa personal,
Sa Telebisyon, ika`y aking nakita,
At hanggang ngayon ay sinusubaybayan,
Iyong pag-akit ay halo ng paghanga.

Aking naaalala, noong sandali,
Mga oras na ako ay sumasaksi,
Tuwing sa iyong eksena`y pinapasilip,
Ako`y nakakaramdam ng tuwa`t kilig.

Kaya lang sa kalagitnaan ng lahat,
Kalagitnaan ng damdam-pagnanasa;
Telebisyon, aking sinusubaybayan,
Mayroon akit, siya din ay nagyaya!

Sa`n ako lulugar, o nasaang-irog?
Sapagkat ang puso ko ay litong-lito;
Mayroon bang makakaintindi nito?
Wala akong mapaghingian ng tulong...

Habang ako ay lunod sa pagkalito,
Ang kay unang pag-ibig ay naglalaho,
Opportunidad sa pagbukas ng bago,
Bagong pag-ibig sa taong romantiko.

Pero kung kailan ako handang magmahal,
Kanyang katandaa`y hindi ko kinaya;
Sa kanyang katandaan na tatlumpu`t-siyam,
Sa puso ko`y ayaw ko nang ibigin pa.

Sa aking kalituhang ibigin pa siya,
Ako`y nagdedesisyon, huwag na lang muna,
Pero sa aking pagmumuni at damdam,
Ang tingin ko`y pareho ko silang mahal.

Kung dalawa ang puso kong iibigin,
Hindi ko nang kailangan magmuni-muni;
Kung dalawa ang puso kong iibigin,
Hindi na kailangan pa mag-dilidili.